Thursday, April 8, 2010

Just let the bass line hit you.

Oras na para pakinggan ang paboritong kanta. Sadyang kapansin-pansin ang tunog ng pakalabit sa "string" ng "electric guitar". Kasing tinis ng sirena ng ambulansiyang nagmamadaling rumaragasa sa kalsadang makipot patungo sa opsital. Ngunit sa kalagitnaan ng pagbagtas sa daang ito ay hihinto ang weng weng ng sirena dahil gising na ang pasyenteng pinilit na buhayin ng mga nars. Pwede nang bumalik ang pasyente sa paghiga sa duyan kanyang bahay.

One of the aphorisms I did for our second major paper, inspired by the very very nice solo of 2 Become 1 covered by Paul Gilbert.

Gusto kong mag-ipod at kumanta, magpaka-emo at pakinggan ang bawat kalabit ng "string".

No comments: