Thursday, April 8, 2010

Kasalukuyan at Present.

Nagtungo ako kaninang umaga sa aming paaralan para sa load revision. Sa hindi inaasahang pagkakataon, inilista ko ang sarili ko sa klase para sa pag-aaral ng lengwaheng Chinese na para sa may mga kaalaman na ukol sa Mandarin. Lee man ang apelyido ng aking ina, 1/16 Chinese lang ako. Napakasaklap naman kung pahihirapan ko ang sarili ko sa klaseng iyon kasama ang mga talagang purong Chinese. Bute na lamang, naging madali lang ang proseso. Mental note ko sa sarili ko kanina: Talagang puro Chinese din yoong mga tao sa loob ng Confucius Institute. HAHA.

Habang pumipila ako para sa load revision form, nakita ko ang gusto kong makita. Hah!

Pumunta kami sa Trinoma ng aking pinsang si Yna. Umikot, namili at nanood ng Diary of a Wimpy Kid. Bute pala, hindi ganoong kalala ang hirarkiya sa Pilipinas. Wala masyadong diskriminasyon 'di gaya ng ibang bansa gaya ng sa Estado Unidos.

Naisip ko kanina, gusto ko talagang maging filthy rich. Sana yumaman ako. Sana tamang nag-aral ako sa Ateneo. Sana nakakatulong talaga yun sa pagyaman. Sana totoo yoong pambobola na ginagawa ng speakers tuwing kinakausap nila ang mga mag-aaral ng JGSOM (John Gokongwei School of Management) na kami raw ang future millionaires ng bansa. Sabi nga nila, we will be earning millions in the future. Hah. Mabibigyan ko kaya ng milyones ang mga magulang ko? Hindi naman ganoon kadali iyon. Kailangan ko pa ring mag-aral ng Law para mas sigurado ang pagyaman ko. HAHA.

Dahil wala akong kotse, nagcommute ako gaya ng kadalasan kong ginagawa. Dahil pakiramdam ko isa kong manok na nasa loob ng turbo broiler, mas pinili kong sumakay sa FX dahil akala ko sampung piso lang naman ang pagitan nila ng jeep. Pero hindi, naging doble pa ng pamasahe ko sa jeep pauwi ang naging pamasahe ko. Ewan ko kung bakit, pero magkasing layo lang naman ang SM North at Trinoma diba? O baka naman umurong na ang Trinoma? Pinalagpas ko na lamang. Baka dahil kasi GE yung FX. Pagpasok sa FX, sa panagalawang row ako umupo. Fast forward, pangalawa akong bumaba. Nainis ata yoong mga katabi ko dahil nasa dulo ako kaya kinailangan din nilang bumaba para makaraan ako. Sorry pero 1) Nahihiya/tinatamad akong magsabi na ako yoong dapat na nasa may pinto. 2) Kasalanan nila. Nauna ko, nahuli sila. Pagbaba ko, narinig ko pa yung babae at nag-Ingles pa siya na para bang nasa nagtranslate siya ng isang linya sa isang Indie Film. She did not told us... Oo, galit si ate. Sobrang gusto ko siya sabihan noon: Ate, wrong grammar ka. Did at told, ang pangit pakinggan. Pareho nang past yun. Pero dahil mabait ako, tumawid na lamang ako. Medyo nakakainis lang. Oo, my fault pero ganoon ba kahirap na tumayo, bumaba, at sumakay ule? Para namang pinagffun run ko siya sa grabe niyang magreact. Haha. Pero ayos lang. Paki ko? Hindi naman kami magkakilala. ;)

Sabi ko kanina, magjjogging ako. Tinamad na naman ako. Fail.

No comments: